Welcome to Cheap Chibog!


Cheap Chibog-- matagal ko na gusto gumawa ng food blog. Every time na mag-aattempt ako laging tunganga na lang kasi tinatamad ako. Pero nainspire ako sa kakapost ko ng recipes sa reddit kaya heto ako.

Mula bata, naniniwala ako na wala sa mga sosyalin na ingredients nakalaan ang lasa ng pagkain. Basta masarap ang pagkakaluto at sakto ang timpla gamit ang mga sariwang sangkap, sure na sure panalo ang hain mo. At saka hindi naman tayong lahat afford na kumain sa labas. Kaya naman nageexperiment ako sa bahay ng mga home versions ng mga putahe na usually saksakan ng laki ng tubo nila.

Salamat sa mga napapadaan sa Cheap Chibog at sana ay maging masarap ang kain niyo lagi!

Comments